Lesson Plan: Pangangailangan at Kagustuhan ng Tao

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan
Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan ng Tao

Inihanda ni Karel Gal

                                                                                                          Ika-17 ng Abril, 2017
                                               
Kasanayan:

          Nasusuri kung kailan ang pangangailangan ay nagiging kagustuhan at ang           kagustuhan ay nagiging pangangailangan.                           
Layunin:
          Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

          1. Naipapaliwanag ang teorya ng pangangailangan.
          2. Nakalalahok ng masigla sa mga gawain at talakayan.
          3. Nakabubuo ng mga hakbang sa pagkamit ng kaganapan ng pagkatao.

Nilalaman:
          Ipinapaliwanag ng teorya ng pangangailangan ang mga hakbang na dapat isaalang-alang upang makamit ang kaganapan ng pagkatao. Ipinapaliwanag nito ang kahalagahan ng bawat baitang upang matagumpay na makamit ang kaganapan ng pagkatao.

Dating Kaalaman:

          1. Ang pangangailangan ay ang mga bagay na kailangan ng tao sa araw-araw.
          2. Ang kagustuhan ay luho lang ng tao.
          3. Ang pangangailangan ay dumedepende lamang sa mga bagay na kinukonsumo ng      tao

Bagong Kaalaman:
          1. Ang pangangailangan ay ang mga bagay na kailangan ng tao para mabuhay
          2. Ang pangangailangan ay puwedeng maging kagustuhan at ang kagustuhan ay           puwedeng maging pangangailangan.
          3. Ang teorya ng pangangailangan ay isang gabay upang makamit ang kaganapan           ng pagkatao.

Sanggunian:
          Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral

Kagamitan: Manila Paper, cartolina, marker, visual aid

Pamamaraan:

I – Introduksyon:

Gawaing Guro

Bilang isang tao, mayroon ba kayong pangangailangan?

Bilang isang mag-aaral, ano ba ang pangangailangan mo?

Kagustuhan, mayroon din ba kayong kagustuhan?

Bilang isang mag-aaral, ano ang kagustuhan mo?


1. Pagganyak

Bago natin simulan ang talakayan ay magkakaroon muna tayo ng isang maikling gawain.

Gawain 1:
“Ano ang pangangailangan at kagustuhan ko bilang tao?”

Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo, ang unang grupo ay isusulat ang pangangailangan ng tao at ang pangalawang grupo naman ay isusulat ang kagustuhan ng tao

Ayon sa mga isinulat ninyo ano ba para sa inyo ang pangangailangan?



Ano naman ang kagustuhan?



Maaari bang maging kagustuhan ang pangangailangan?

Sa paanong paraan?

May ideya na ba kayo sa paksang tatalakayin natin ngayon? Ano ang tatalakayin natin ngayon?


Ngayon ay alamin naman natin ang teorya ng pangangailangan ni Abraham Maslow, alamin natin kung ano ba ang isinasaad ng teorya ng pangangailangan ni Abraham Maslow.

II- Interaksyon

Gawain 2:
Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang gawain, hahatiin ko kayo sa limang grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng paksa na tatalakayin para mag “brainstorming”, pipili ng isang miyembro upang talakayin sa ibang grupo ang paksa na nakatalaga sa inyo. Pagkatapos nito ay ipapaliwanag ninyo sa unahan ang bawat paksa na nakatalaga sa inyong grupo.

Teorya ng Pangangailangan





Puwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa ikalimang baitang na hindi dumadaan sa una? Bakit?



Paano mo mararating ang pinakamataas na baitang? Ano ang dapat mong gawin upang marating ito?


Ipaliliwanag ang maaaring maging negatibong epekto sa bawat baitang kung hindi ito mapupunan.

Bilang isang mag-aaral ano kaya ang kahalagahan ng pag-aaral natin sa teoryang ito?

Sino pa ang may katanungan?


Ngayon ay naintindihan na natin ang isinasaad ng teorya ng pangangailangan, ngayon naman ay susulat kayo ng hakbang sa kung paano ninyo makakamit ang kaganapan ng inyong pagkatao.

III – Integrasyon

Gawain 3:
“Hakbang sa Matagumpay na pagkamit sa Kaganapan ng Pagkatao”

Hahatiin ang mga mag-aaral sa dalawang grupo. Ang mga mag-aaral ay mag-uusap upang makabuo ng mga hakbang sa matagumpay na pagkamit sa kaganapan ng pagkatao. Isusulat nila ito sa ibibigay na cartolina at ipapaliwanag sa kanilang kaklase.

Panapos:

Ano ba ang kahalagahan ng pisyolohikal na pangangailangan sa teorya ni Maslow?





Bakit sa tingin ninyo ay mahalagang mapunan ang pangangailangang panlipunan?


Kailan ninyo masasabi na narating na ninyo ang kaganapan ng inyong pagkatao?






Malinaw na ba sa inyo ang aralin na tinalakay natin sa araw na ito?

Kung gayon ay dito na nagtatapos ang ating talakayan tungkol sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.



Gawaing Mag-aaral

-     Opo


-     Libro, papel, notebook, ballpen


-     opo

-     makatapos ng pag-aaral, maging propesyunal, magkaroon ng malaking bahay















-     Mga bagay na kailangan ng tao sa araw-araw na gawain, ito rin ay kailangan ng tao para mabuhay.


-     Mga bagay na hinahangad ng tao dahil ito ay nagdudulot ng higit na kasiyahan.


-       Opo


-       Magbibigay ng halimbawa.

-       Opo, pangangailangan at kagustuhan ng tao








Unang grupo – Pisyolohikal na Pangangailangan

Ikalawang grupo – Pangangailangang Pang-seguridad at kaligtasan

Ikatlong grupo – Pangangailangang Panlipunan

Ikaapat na grupo – Pagkamit ng respeto sa sarili at respeto sa ibang tao

Ikalimang grupo – Kaganapan ng Pagkatao
-       Ang bawat grupo ay magtatalaga ng isang mag-aaral na iikot sa ibang grupo upang ipaliwanag ang paksang nakatalaga sa kanila. Pagkatapos na maipaliwanag sa bawat grupo ay babalik na sila sa kanilang grupo upang mag “brainstorming”, para maipaliwanag ang konsepto ng teorya ni Maslow ayon sa mga nakalap nilang impormasyon sa ibang grupo.

-       Ang bawat grupo ay ipapaliwanag sa unahan ang teorya ng pangangailangan ni Maslow.

-       Hindi, dahil kailangan muna niyang punan ang pangunahing pangangailangan bago niya marating ang iba pang pangangailangan.

-       Kailangan ay mapunan ng maayos ang mga naunang baitang upang matagumpay na marating ang pinakamataas na baitang.





-     Ito po ay maaaring mag silbing gabay upang makamit ang kaganapan ng ating pagkatao.













-  Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng “Brainstorming” upang makabuo ng hakbang sa matagumpay na pagkamit ng kaganapan ng pagkatao.




-    Ang pisyolohikal na pangangailangan ay ang mga bagay na kailangan ng tao para mabuhay, hindi magagawa ng tao na makarating sa ikalawa hanggang sa huling baitang kung wala ito.

- Dahil ang tao ay hindi kayang mabuhay ng mag-isa, kailangan niya ng mga tao sa paligid niya upang sumuporta at tumulong  sa kaniya. Sabi nga “No man is an island”.

-    Masasabi ko po na narating ko na ang kaganapan ng aking pagkatao kapag ang lahat ng baitang sa teorya ng pangangailangan ay matagumpay ko nang napunan.

-       Opo



Comments

Popular posts from this blog

Lesson Plan: Imperyong Mali at Songhai

Lesson Plan: Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano