Lesson Plan: Imperyong Mali at Songhai

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
Ika-8 Baitang
Ikatlong Markahan

I – Layunin:
                1. Nasusuri ang mga pangyayari sa panahon ng Imperyong Mali at Songhai
                2. Nakikilala ang mga mahahalagang tao na namuno sa Imperyo ng Mali at Songhai
                3. Nakasusulat ng mga mahahalagang pangyayari noong panahon ng Imperyo ng Mali at Songhai
II – Paksang Aralin
                A. Paksa: Ang Imperyong Mali
                                   Ang Imperyong Songhai
                B. Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig
                C. Kagamitan: Aklat, Manila Paper, Pentouch
III – Pamamaraan
Gawain ng Guro
A.      Panimulang Gawain:
1.       Pagbati
“Magandang umaga sa inyong lahat”
2.       Panalangin
Ang guro ay tatawag ng mag-aaral na mangunguna sa panalangin
3.       Pag-alam ng liban
Tatawagin ng guro isa-isa ang mga pangalan ng mag-aaral
                4. Balik Aral
                Ang guro ay magtatanong tungkol sa                 nakaraang aralin.
                “Ano ang naging dahilan ng pag-unlad ng Axum at ng Imperyong Ghana?



                5. Pagganyak
                Ang guro ay magpapakita ng larawan at aalamin nila kung anong uri ng lider ang nasa larawan at kung ano ang kaniyang                 pinamamahalaan.

Gawain 1: “Guess the Photo”

“Ano sino sa ideya ninyo sa larawang ito?”
“Tama, siya ay isang emperador”




“Ano naman ang ideya ninyo sa larawang ito?”
“Ano kaya ang koneksiyon nito sa ating magiging aralin?”

B. Paglinang ng Aralin
                1. Paglalahad
                “Tama, ano ba ang imperyo?



                “Tama, ito ay isang teritoryo na mas                 malawak pa sa saklaw ng isang kaharian”
                2. Pagtatalakay
                Gawain 2: “Pag-uulat”
Hahatiin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat, sa ibibigay na manila paper ay ilalagay nila ang mga mahahalagang pangyayari at nagawa ng dalawang naging lider ng imperyong Mali. Ang pagbibigay ng puntos ay naaayon sa rubric.
                Unang Pangkat – Sundiata Keita
                Ikalawang Pangkat – Mansa Musa

                Gawain 2: “Unahan sa Sagot”
Ang pagkakahati ng pangkat ay pareho lang sa naunang gawain, ang mga mag-aaral ay babasahin ang paksang “Ang Imperyong Songhai” sama-sama itong susuriin ng mga mag-aaral. Pagkatapos nito ay pipili ang pangkat ng limang mag-aaral na maglalaro, ang guro ay magbibigay ng tanong at ang mga mag-aaral galing sa magkabilang pangkat ay magpapaunahan sa pagsulat ng sagot sa pisara, ang mauuna ay bibigyan ng isang puntos bawat sagot.

                1. Kanino nakikipagkalakalan ang mga Songhai?
                2. Anong pananampalataya ang dala ng mga Berber?
                3. Siya ang Hari ng mga Songhai.
                4. Ano ang lumitaw na bagong dinastiya?
                5. Siya ang naging Hari ng dinastiya ng Sunni.

                3. Paglalahat
                “Paano nakamit ng Imperyong Mali ang kapangyarihan mula sa Imperyong Ghana?”
                “Bakit naging tanyag si Mansa Musa?”




                “Ano ang naging batayan ng                 kapangyarihan ng Mali at Songhai?”


                4. Paglalapat
                “Ano ang masasabi ninyo sa ginawang pagpapahalaga ni Mansa Musa sa karunungan?”
                “Para sa inyo mahalaga ba ang pag-   aaral?”
                “Bakit?”

                “Ano ang ipinakita ni Haring Sunni Ali na kahit hindi niya tinanggap ang                 paniniwalang Islam ay hinayaan lang                 niya ang mga iskolar na muslim sa                 kaniyang nasasakupan?
                “Tama, dapat nating respetuhin ang                 paniniwala ng bawat isa kahit na iba ito sa ating sariling paniniwala”
               
                5. Pagtataya
                Ang mga mag-aaral ay kukuha ng                 kalahating bahagi ng papel at sasagutan ang tanong na ididikta ng guro.

                1. Bakit naging tanyag si Mansa Musa?

                                                                           

                2. Paano nasakop ni Sundiata Keita ang Imperyo ng Mali?

                3. Ano ang lumitaw na bagong dinastiya sa Songhai?
                4. Siya ang naging Hari ng Dinastiyang Sunni.
                5. Ano ang dahilan ng pag-unlad ng                 Imperyong Mali at Songhai?

                “Kung tapos na ay ipasa na ninyo ang                 inyong papel”
                “May katanungan pa ba?”
               
IV – Takdang Aralin
                Basahin ang mga susunod na aralin bilang paghahanda sa susunod na talakayan.

“Goodbye class"
Gawain ng Mag-aaral


“Magandang umaga din po”









“Ang dahilan po ng pag-unlad ng Axum ay ang kanilang pagiging sentro ng kalakalan at ang Imperyo ng Ghana ay ang kanilang malayang pagtatanim dulot ng matabang lupa sa lawak ng kapatagan sa rehiyon”













- siya po ay isang emperador







“Yan po ay Imperyo”
“Ito po ay may koneksyon sa pag-aaral natin tungkol sa imperyo ng Mali at Songhai.”



“ang imperyo po ay samahan ng mga bansa o mga tao na pinamamahalaan ng isang emperador o iba pang makapangyarihang pinuno o pamahalaan”











Pag-uulat
















-          Sa mga Berber

-          Islam

-          Dia Kossoi

-          Sunni

-          Haring Sunni Ali / Sunni Ali

“Sinalakay po ni Sundiata Keita at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana.”

“Naging tanyag po si Mansa Musa dahil sa kaniyang pagbibigay ng halaga sa karunungan, nagpatayo din siya ng mga Mosque o pook-dasalan ng mga muslim.”

“Ang naging batayan po ng kanilang kapangyarihan ay ang kanilang pakikipagkalakalan.



“Binigyan niya ng kalayaan na makapag-aral ang kaniyang nasasakupan”

“opo”

“Para po umunlad ang buhay”

“ipinakita po niya ang pag respeto sa ibang relehiyon o paniniwala”












-          Naging tanyag po si Mansa Musa dahil sa kaniyang pagbibigay ng halaga sa karunungan, nagpatayo din siya ng mga Mosque o pook-dasalan ng mga muslim.”

-          Sinalakay niya at winakasan ang Imperyo ng Ghana.

-          Dinastiyang Sunni

-          Haring Sunni Ali

-          Pakikipagkalakalan










“Goodbye Sir”

                                                                                                                                               

Comments

Popular posts from this blog

Lesson Plan: Pangangailangan at Kagustuhan ng Tao

Lesson Plan: Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano