Lesson Plan: Pangangailangan at Kagustuhan ng Tao
Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan ng Tao Inihanda ni Karel Gal Ika-17 ng Abril, 2017 Kasanayan: Nasusuri kung kailan ang pangangailangan ay nagiging kagustuhan at ang kagustuhan ay nagiging pangangailangan. Layunin: Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Naipapaliwanag ang teorya ng pangangailangan. 2. Nakalalahok ng masigla sa mga gawain at talakayan. 3. Nakabubuo ng mga hakbang sa pagkamit ng kaganapan ng pagkatao. Nilalaman: Ipinapaliwanag ng teorya ng pangangailangan ang mga hakbang na dapat isaalang-alang upang makamit ang kaganapan ng pagkatao. Ipinapaliwanag nito ang kahalagahan ng bawat baitang upang matagumpay na makamit ang kagana